Dakilang guro tuloy ang dedikasyon sa trabaho kahit sa kanyang mga huling sandali

Hindi talaga matatawaran ang trabaho ng mga guro. Sila ang tumatayo bilang mga pangalawang magulang ng mga estudyante at sila rin ang humuhubog sa kakayahan at pag-uugali ng mga ito. At ngayong may pandemya, mas lalong nasubok ang kanilang dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.

Samantala, viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang guro na nagawa pang magtrabaho isang araw bago siya pumanaw.

Sa Facebook post ni Sandra A. Venegas, ibinahagi niya rito ang kuwento ng kanyang amang guro na si Alejandro Navarro isang araw bago siya sumakabilang buhay. Kalakip ng post na ito ang larawan ng kanyang ama na nagpa-finalize ng grades ng kanyang mga estudyante para sa mga gagawing reports.

Source: Sandra A. Venegas/Facebook


This is my dad Alejandro Navarro, the day before he passed away, worried about finalizing grades for progress reports. He knew he was going to the ER so he packed his laptop and charger so he could enter them.

“Doctors were coming to see him. They were running tests, they were telling him he needed to decide what he wanted in the event that his heart stopped: CPR and intubation or to go in peace. He’d answer their questions and resume with grades.”

Araw daw ng Lunes nang huling makita ni Sandra ang kanyang ama kung saan ginugol daw talaga ng kanyang ama ang dalawang oras sa pagtatrabaho. Sana nga raw ay isinara ni Sandra ang laptop ni Alejandro para ma-enjoy niya ang oras kasama ang kanyang ama.

Ayon pa sa post, “Teachers put in so many extra hours, hours that many don’t realize. Even during a pandemic, even during a health crisis, teachers worry about completing their duties. Thank you teachers. If you are married to one, help them set boundaries, if you are the daughter/son of one, don’t let them work once they’re home. Be kind to your teachers.”

Dagdag pa ni Sandra, mahal na mahal daw niya ang kanyang ama at mami-miss niya rin ito. Nilinaw rin niyang walang kinalaman sa COVID-19 ang dahilan ng kamatayan ng kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!
Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro
Ads Blocker Detected!!!

We have detected that you are using extensions to block ads. Please support us by disabling these ads blocker.

Refresh