102-Anyos Na Lolo, Naglalako Pa Ng Hinabing Duyan At Bayong Para Ibuhay Sa Sarili

 

Sabi nga nila, kalabaw lang ang tumatanda. Parang totoo iyan sa kalagayan ni Tatay Tony Villanueva na mula sa Brgy. Rizal, Babatngon, Leyte.

Sa edad na 102, si Tatay Tony ay nakakapaghabi pa ng bayong at duyan na siya namang inilalako niya sa mga bahay-bahay at ibinebenta.

Hindi din pangkaraniwan ang lakas niya dahil ang mabigat na duyang ginawa niya ay binubuhat naman niya para ibenta sa bayan nila. Kung sa ibang matatanda, hindi na angkop ang ganito kabigat na mga trabaho.


Ang nakaka-inspire na larawan at kwento ni Tatay Tony ay ibinahagi naman ni Rhodz Jimenez Casio-Salili sa isang socmed  post.


Marami namang netizen ang natuwa kay Tatay Tony at nagulat sa lakas na taglay niya kahit 102 anyos na siya. 

Ayon naman kay Tatay Tony, hindi siya kumakain ng karne ng hayop o gumagamit man ng vetsin sa kaniyang pagkain. Isda at gulay lamang daw ang kinakain niya at ito daw ang kaniyang sikreto kung bakit nananatili siyang malakas at may malusog na pangangatawan. Nagagawa pa nga niyang magbuhat ng mabibigat na bagay.



May mga netizen naman ang nag-react kung bakit nagtatrabaho pa rin si Tatay Tony sa kabila ng kaniyang edad. Anila, pananagutan ng mga anak ni Tatay Tony na alagaan at paglaanan siya. Sa edad niya, humihina na ang mga buto niya at baka magka-injury pa ito dahil sa trabaho niya.

Gayunpaman, mukhang si Tatay Tony mismo ang nagnanais na gumawa nito. Marahil, ayaw niyang isipin na wala na siyang silbi sa pamilya niya kaya naman kayod pa din si Tatay sa nakagawian niyang trabaho noon pa man.

Hinihikayat naman ng netizen ang pamilya ni Tatay Tony na beripikahin ang tunay na edad niya para makuha niya ang kaniyang benepisyong 100,000 piso para sa matatanda natin na umabot na sa edad na 100.

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!
Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro
Ads Blocker Detected!!!

We have detected that you are using extensions to block ads. Please support us by disabling these ads blocker.

Refresh